Powered By Blogger

Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Ma. Theresa Alano Rivera(ang dalagang tahimik pero masayang kasama)

Noong ika-2 ng Oktubre taong 1994, lingo ng umaga ang aking Mama ay nag-iisa sa aming bahay. Dahil ang aking Papa ay may seminar sa DAPP, sa may Tagaytay. Siya ay kasalukuyang naglalakad-lakad sa aming bahay at napansin siya ng aming kapit-bahay .Tinanong siya,”Amor manganganak ka na ba?” at sumagot ang aking mama na baka raw dahil nananakit na ang kanyang tiyan.Sa takot ng aming kapit-bahay agad itong tumawag ng tricycle at sinugod ang aking mama sa ospital.Habang nasa labor room haking mama ay gwapo biglang dumating si papa na agad kinausap ng doctor na guwapo ( sabi ng mama ko), sinabi na isesesaryan ang mama ko dahil maliit lang daw siya. Kaya lang nagalit ang mama ko at sinabihan ang doctor ng, “lalabas yan at hindi yan taga riyan! Maghintay lang kayo at may oras ang paglabas niya”. At eksaktong 12:00 ng hating gabi ay ipinanganak na ako at iyon ay ika-tatlo na ng Oktubre 1994. Habang ako’y pinapaliguan ng isang nars ay biglang nagdilim ang paligid, dahil brownout. At dito ko na sisimulan ang aking kwento.

4months old ako dito
Ako si Ma. Theresa Alano Rivera, ipinanganak sa San Lorenzo Hospital Novaliches, Quezon City. Ako ay bininyagan sa Lagro Church at ako ay may 44 pares ng ninong at ninang. Ang aking mga magulang ay sina Amor at Salvador Rivera. Ako ay mayroong dalawang kapatid na babae, ito ay sina Trixia Mae at Catherine. Noong ako ay 5 buwan pa lang ay itinira ako dito sa Laguna, dahil ang aking mama at papa ay nagtatrabaho. Wala pa silang makitag taga-alaga sa akin.
6mon
Naging masa ang aking pagtira sa aking mga tita sila ang nagbabantay sa akin nung ako ay sanggol pa lang. bago ko ipagdiwang ang aking unang kaarawan ay inuwi na ako ng magulang ko sa aming tirahan sa Victory Heights, Caloocan City. Doon ko idinaos ang aking kaarawan kasama ang aking kaarawan. Kasama ang aking mga kamag-anak. Naging maayos at masaya ang aking buhay ng mga sumunod pang mga taon. Noong ako’y dalawang taon ay muli akong napatira dito sa Laguna, kadalasan ay ipinasyal ako ng aking tita sa Sampalok Lake sakay ng tricycle habang pinapakain ng balot. Ginagawa niya ito upang ako ay makatulog at kapag ako ay sinusundo na ulit ng aking mga magulang, sila ay tinitingnan ko lang ng parang hindi ko sila kilala. Noon ako ay apat na taon na kami ay napatira sa Capitol Park Homes, Caloocan City
unang kaarawan ko
 Doon ako nag-simulang pumasok sa paaralan,araw-araw ay umiiyak ako kapag iniiwan nila akong mag-isa sa skul. Madalas pa din ako noong dumede ng gatas sa bote, hinda kami nakakapag-laro sa labas ng bahay tanging kaming dalawa lang ng aking kapatid ang mag-kalaro. Minsan ay napunta na lang aking mga pinsan sa amin upang bumisita, kadalasan silang naglalaro ng salagubang o kaya naman ay billiards. Minsan naman ay niyaya ng aking kapatid ang aming kapit-bahay upang doon na lang sa amin maglaro. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng aking kapatid, dahil kinurot niya ang aming kalaro at simula noon ay hindi na kami pinabayaang makipag-laro sa iba. Dahil sa aking kapilyahan ay pinalo ako ng aking pinsan na lasing, dahil siya ay pinaltok ko ng tsinelas habang siya ay natutulog. Araw-araw ay aking lola lamang ang aming kasama sa bahay pati ang aking mga pinsan. Sanay na kami na sila lang ang kasama, madalas din kaming matulog sa hapon . Basta ako ay may gatas at may hawak na ribbon ng panty. Ako ay nakaka-tulog na.
1year and 3months ak

Noong kinasal ang aming mga magulang kami ni Mae ay naging abay. Naging malungkot para sa amin ang pag-kamatay ng tiyuhin ko, ito ay kadalasang nakaka-away ng aking papa. Siya rin ang nagbansag sa akin ng aking palayaw, dahil ang kanyang dating kasintahan ay Theresa din ang pangalan. Nang lumipas na taon naman ay ipinanganak ang bunso naming kapatid. Kadalasang kami ang nag-babantay sa kanya dahil nasa trabaho ang aming magulang. Noong naidaos na ang kanyang binyag, kami ay lumipat na sa Bulacan.
Lalong naging masaya ang naging buhay namin sa bagong naming bahay. Sa Benedictian School ako nag-simulang pumasok ng unang baiting, hindi kami ganoon kadami gaya ng ibang school. Marami akong naging kaibigan at hindi ako ganoon ka-ingay sa klase. Noong ako ay naging grade 6 na, ako ay naging pang-hapon na dahil huli na akong nag-paenroll. Pero naging maayos lang ito sa akin dahil hindi ako nahirapang makipag-kumpitensya sa iba. Noong una ay kakaunti pa lang ang aking kakilala, ngunit ng mga nakalipas na araw ay naging kaibigan ko na silang lahat. Nagsimula kong nahiligan ang pagsayaw, noong kami ay nag perform sa stage. Noong mga sumunod na taon ay naging maayos naman ang aking mga grado. Hindi kami nakakapaglaro sa labas ng bahay. Sanay kaming nasa bahay lang at naglalaro ng playstation. Kapag bakasyon naman ay napunta kami dito sa Laguna, kadalasan ay naglalaro kami ng patintero sa gabi o kaya naman ay paperdolls. Minsan ay napunta kami sa basketball court upang manood ng liga. At kapag natapos na ang bakasyon ay parang ayaw na naming umuwi sa Bulacan, dahil kapag sinusundo na kami ay malungkot na ang aming mga mukha. Kapag nakauwi na ako ng bahay ay nagawa agad ako ng mga takdang aralin at pagkatapos ay tutulog na ako. Nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na lalaki siya ay si Leahm Du, nung una ay niligawan niya ako ngunit hindi ko sinagot dahil natatakot ako sa aking mga magulang. Parati kaming niloloko n gaming mga kaklase dahil ang lambing daw naming, parati niya nga kinukurot sa pisngi at madalas kaming nag-aaway dahil mahilig siyang mang-asar. Mahilig akong sumali noon sa mga aktibidad sa aming paaralan.

grade six ako dito
 Dati ay naglalaro pa kami ng patintero at tuwing Biyernes naman ay mga naka-sibilyan kami at nagjojogging sa Subdivision malapit sa aming paaralan.Naging masaya na malungkot ang aking pag-alis sa Benediction dahil una sa lahat ay may naging magandang bunga ang aking pag-aaral at ikalawa naman ay maiiwan ko na ang aking mga kaibigan pati na si LeahmDu.Nang mamatay ang aking pinsan at lola ,kami ay lumipat na dito,maraming bagay na ang kailangan na  naming iadjust dahil marami na ang nagbago .Kung dati madalas kaming namamasyal sa mga mall ngayon naman ay nalilimitahan na .Dahil ang papa na lang naminang naghahanapn buhay.Kung dati ay madalas nauwi sa amin ang aming papa ngayon ay tuwing biyernes na lang at kapag Lunes na, siya ay babalik na sa maynila .Noong bakasyon ay lumaban kami ng sayaw sa Coca-cola at nakakasali sa mga Santa Cruzan. Nang una kong pasok sa Dizon ay maraming kamalasan ang nangyari sa akin . una ay tinubuan ako ng skin rushes, nabasa ako ng ulan sa loob ng new building at nasiraan ng sapatos. Noong una kong pasok ay nahirapan akong mag-adjust, pero ng tumagal ay nasanay na ako at nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging masaya din kami dito sa Laguna kahit nakakainis ang mga kaibigan namin sa Bulacan. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay ang nangyari dito sa nag-aral sa Dizon, isa na riyan ang pagsali ko sa C.A.T noong ako ay nasa ika-3 antas at naranasan ko na rin ang magmahal.

                At ngayong nasa ika-4 na antas na ako, nalalapit na ang aking pagtatapos at pag-alis sa Dizon High kung saan marami akong natutunan at mas naging masaya. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, sisikapin ko na maging maayos ang aking buhat sa hinaharap. M ag-aaral muna ako ng mabuti bago isipin ang pag-aasawa, kahit ako ay may boyfriend na. gusto ko muna na maging stable ang aking buhay bago lumagay sa masaya at tahimik na buhay. 
Ako si Ma. Theresa Alano Rivera, ipinanganak sa San Lorenzo Hospital Novaliches, Quezon City. Ako ay bininyagan sa Lagro Church at ako ay may 44 pares ng ninong at ninang. Ang aking mga magulang ay sina Amor at Salvador Rivera. Ako ay mayroong dalawang kapatid na babae, ito ay sina Trixia Mae at Catherine. Noong ako ay 5 buwan pa lang ay itinira ako dito sa Laguna, dahil ang aking mama at papa ay nagtatrabaho. Wala pa silang makitang taga-pagalaga sa akin. Naging masaya ang aking pagtira sa aking mga tita sila ang nagbabantay sa akin nung ako ay sanggol pa lang. bago ko ipagdiwang ang aking unang kaarawan ay inuwi na ako ng magulang ko sa aming tirahan sa Victory Heights, Caloocan City. Doon ko idinaos ang aking kaarawan kasama ang aking kaarawan. Kasama ang aking mga kamag-anak. Naging maayos at masaya ang aking buhay ng mga sumunod pang mga taon. Noong ako’y dalawang taon ay muli akong napatira dito sa Laguna, kadalasan ay ipinasyal ako ng aking tita sa Sampalok Lake sakay ng tricycle habang pinapakain ng balot. Ginagawa niya ito upang ako ay makatulog at kapag ako ay sinusundo na ulit ng aking mga magulang, sila ay tinitingnan ko lang ng parang hindi ko sila kilala. Noon ako ay apat na taon na kami ay napatira sa Capitol Park Homes, Caloocan City. Doon ako nag-simulang pumasok sa paaralan,araw-araw ay umiiyak ako kapag iniiwan nila akong mag-isa sa skul. Madalas pa din ako noong dumede ng gatas sa bote, hinda kami nakakapag-laro sa labas ng bahay tanging kaming dalawa lang ng aking kapatid ang mag-kalaro. Minsan ay napunta na lang aking mga pinsan sa amin upang bumisita, kadalasan silang naglalaro ng salagubang o kaya naman ay billiards. Minsan naman ay niyaya ng aking kapatid ang aming kapit-bahay upang doon na lang sa amin maglaro. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng aking kapatid, dahil kinurot niya ang aming kalaro at simula noon ay hindi na kami pinabayaang makipag-laro sa iba. Dahil sa aking kapilyahan ay pinalo ako ng aking pinsan na lasing, dahil siya ay pinaltok ko ng tsinelas habang siya ay natutulog. Araw-araw ay aking lola lamang ang aming kasama sa bahay pati ang aking mga pinsan. Sanay na kami na sila lang ang kasama, madalas din kaming matulog sa hapon . Basta ako ay may gatas at may hawak na ribbon ng panty. Ako ay nakaka-tulog na.
Noong kinasal ang aming mga magulang kami ni Mae ay naging abay. Naging malungkot para sa amin ang pag-kamatay ng tiyuhin ko, ito ay kadalasang nakaka-away ng aking papa. Siya rin ang nagbansag sa akin ng aking palayaw, dahil ang kanyang dating kasintahan ay Theresa din ang pangalan. Nang lumipas na taon naman ay ipinanganak ang bunso naming kapatid. Kadalasang kami ang nag-babantay sa kanya dahil nasa trabaho ang aming magulang. Noong naidaos na ang kanyang binyag, kami ay lumipat na sa Bulacan.
Lalong naging masaya ang naging buhay namin sa bagong naming bahay. Sa Benedictian School ako nag-simulang pumasok ng unang baiting, hindi kami ganoon kadami gaya ng ibang school. Marami akong naging kaibigan at hindi ako ganoon ka-ingay sa klase. Noong ako ay naging grade 6 na, ako ay naging pang-hapon na dahil huli na akong nag-paenroll. Pero naging maayos lang ito sa akin dahil hindi ako nahirapang makipag-kumpitensya sa iba. Noong una ay kakaunti pa lang ang aking kakilala, ngunit ng mga nakalipas na araw ay naging kaibigan ko na silang lahat. Nagsimula kong nahiligan ang pagsayaw, noong kami ay nag perform sa stage. Noong mga sumunod na taon ay naging maayos naman ang aking mga grado. Hindi kami nakakapaglaro sa labas ng bahay. Sanay kaming nasa bahay lang at naglalaro ng playstation. Kapag bakasyon naman ay napunta kami dito sa Laguna, kadalasan ay naglalaro kami ng patintero sa gabi o kaya naman ay paperdolls. Minsan ay napunta kami sa basketball court upang manood ng liga. At kapag natapos na ang bakasyon ay parang ayaw na naming umuwi sa Bulacan, dahil kapag sinusundo na kami ay malungkot na ang aming mga mukha. Kapag nakauwi na ako ng bahay ay nagawa agad ako ng mga takdang aralin at pagkatapos ay tutulog na ako. Nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na lalaki siya ay si Leahm Du, nung una ay niligawan niya ako ngunit hindi ko sinagot dahil natatakot ako sa aking mga magulang. Parati kaming niloloko n gaming mga kaklase dahil ang lambing daw naming, parati niya nga kinukurot sa pisngi at madalas kaming nag-aaway dahil mahilig siyang mang-asar. Mahilig akong sumali noon sa mga aktibidad sa aming paaralan. Dati ay naglalaro pa kami ng patintero at tuwing Biyernes naman ay mga naka-sibilyan kami at nagjojogging sa Subdivision malapit sa aming paaralan.Naging masaya na malungkot ang aking pag-alis sa Benediction dahil una sa lahat ay may naging magandang bunga ang aking pag-aaral at ikalawa naman ay maiiwan ko na ang aking mga kaibigan pati na si LeahmDu.Nang mamatay ang aking pinsan at lola ,kami ay lumipat na dito,maraming bagay na ang kailangan na  naming iadjust dahil marami na ang nagbago .Kung dati madalas kaming namamasyal sa mga mall ngayon naman ay nalilimitahan na .Dahil ang papa na lang naminang naghahanapn buhay.Kung dati ay madalas nauwi sa amin ang aming papa ngayon ay tuwing biyernes na lang at kapag Lunes na, siya ay babalik na sa maynila .Noong bakasyon ay lumaban kami ng sayaw sa Coca-cola at nakakasali sa mga Santa Cruzan. Nang una kong pasok sa Dizon ay maraming kamalasan ang nangyari sa akin . una ay tinubuan ako ng skin rushes, nabasa ako ng ulan sa loob ng new building at nasiraan ng sapatos. Noong una kong pasok ay nahirapan akong mag-adjust, pero ng tumagal ay nasanay na ako at nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging masaya din kami dito sa Laguna kahit nakakainis ang mga kaibigan namin sa Bulacan. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay ang nangyari dito sa nag-aral sa Dizon, isa na riyan ang pagsali ko sa C.A.T noong ako ay nasa ika-3 antas at naranasan ko na rin ang magmahal.

                At ngayong nasa ika-4 na antas na ako, nalalapit na ang aking pagtatapos at pag-alis sa Dizon High kung saan marami akong natutunan at mas naging masaya. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, sisikapin ko na maging maayos ang aking buhat sa hinaharap. M ag-aaral muna ako ng mabuti bago isipin ang pag-aasawa, kahit ako ay may boyfriend na. gusto ko muna na maging stable ang aking buhay bago lumagay sa masaya at tahimik na buhay. 

No comments:

Post a Comment