Powered By Blogger

Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Dianne Bertiz Almarez(Ang taong maprinsipyo)

 Noong ako ay nakapagtapos ng Kinder
Sa Sitio Candaba sa baryo ng Sta.Isabel, ikalima ng Mayo taong 1995 ako ay ipinanganak bunga ng mabuti at magandang pagsasamahan ng aking mga magulang na sina Nilda Bertiz at Felix Almarez. Apat kaming magkakapatid at wala ni isa sa amin ang isinilang at lumaking may kapansanan.Si Bernadette ang aking panganay na kapatid na kasalukuyang pumapasoksa kolehiyo. Si Olive ang sumunod sa akin na nasa ika-5 baytang pa lamang. Maraming nagsasabi na suwerte ang tatlong babae kaya labis na natuwa ang aking mga magulang. Ngunit lalo silang nasiyahan nang nabiyayaan pa ng isang anak na lalake, si JP,ang aking bunsong kapatid. Naalala ko nung ako'y tatlong taon pa lamang,ako ay palaging nahuhulog sa tulay malapit sa aming bahay. Kaya't minabuti ng aking ina na ako'y huwag papalabasin sa bahay sa oras.Ako ay pumasok ng elementarya sa mababang paaralan ng A.M.M.E.S. Ako ay ani8m na taong gulang na simula ng ako ay pumasok. Minsang kami ay nagkaroon ng pagsusulit,ako ay pinatawag ng aming guro sa kadahilanang doble daw ang aking sagutang papel, naibigay sa akin iyon nawalan ng papel ang aking kakaklase kaya't ng ipakita ng aking guro ang isa sa hawak kong papel ay doon namin nalaman na hindi lang sagot ko ang kanyang nakopya kundi patai na rin ang aking pangalan. Isa lamang iyan sa mga nangyari sa akin nung ako ay nasa kinder pa lamang. At ang pinakamasaklap sa lahat ay nung nagtapos kami ng kinder ay hindi kami nabigyan ng sertipiko ng pagtatapos dahil sa aming guro na kinuha ang aming pera. Naaalala ko rin ng kami ay magpnta sa simbahan sa ating bayan, hindi ko namalayan na umalis ang aking ina kaya't ako ay nagkanda-iiyak sa upuan. Buti na lamang at ako ay nakita ng aking ina dahil kung hindi, malamang ako ay palaboy sa bayan. Ng ako ay tumuntong sa ika-4 na baitang, ako ay napatira sa aking lolo at lola. Noong una ay hindi ko matanggap na ako ay hindi nakatira sa sarili naming bahay ngunit ng naglaon nasiyahan na rin ako sa pagtira dito.Napatira ako dito dahil sa matanda na ang aking lolo at lola at kailangan nila ng makakatulong sa bahay at sa kanilang maliit na tindahan. Ang pagtira ko rin sa mga ito ang naging dahilan upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Dito ko rin nakilala ang aking mag kaibigan. Si Lea, Mean, Jocelyn, Claudine, Airene, Nina at ako. Kami ay tinawag na 7 sisters na hanggang ngayon ay buong-buo pa. Halos magkakasing edad lamang kami. Sabay-sabay rin kaming nakatapos ng elementarya. Napagkasunduan namin na kami ay pumasok sa iisang paaralan sa hayskul. Ngunit sa pag aakala namin na magiging magkakaklase pa rin kami, hindi pala. Kahit magkakaiba kami ng seksyon ay patuloy pa rin kaming magkakaibigan.

High School Class Picture

Unang taon ng pagpasok sa hayskul ay napunta ako sa seksyon E. Noong una,hindi ko alam kung paano ako makikibagay sa aking mga kaklase. Tanging katabi ko lamang sa upuan ang aking nakakausap. Ngunit ng tumagal ay marami na rin akong naging kaibigan sa mga ito. Para sa akin, napakabilis ng isang taon. Lalo na ng nakarating ako sa ikalawang taon ng hayskul. Ngunit sa pagkakataong ito, napahiwalay na ako sa seksyon E. Dahil ako ay napalipat na sa seksyon B. Lalong dumami ang naging kaibigan sa paglipat na ito. Maraming mga guro ang nagagalit sa aming seksyon dahil sa sobra naming kaingayan. Tama nga naman sila, dahil tila pingsama-sama ang mga estudyanteng maingay at makulit sa seksyon B. Talagang napakasaya sa seksyon na ito kaya naman mahirap kalimutan ang mga taong laging nagpapatawa dito. Ngunit ang kasiyahan na ito ay hindi maaaring hindi matapos. 

Noong ako ay 3rd year high school

Dahil sumapit ang ikatlong taon ng hayskul, at eto na naman, muli na naman akong napalipat. Ayaw ko mang umalis sa seksyon na ito, wala pa rin akong magagawa. Napalipat ako sa seksyon A. Biglang pumasok sa isip ko ay kung paano ako makikisalamuha sa magiging kaklase ko. Dahil na rin siguro sa mga naririnig ko na mahirap daw dito. Pero simula ng mapunta ako sa seksyon na ito, napatunayan ko sa aking sarili na hindi magiging mahirap ang pakikitungo sa iba kung alam mo sa sarili mo na nababagay ka dito.Sa taong din ito naganap ang unang paglahok ko sa junior and senior prom. Nung una ay naisipan kong huwag sumali, ngunit nang naalala ko na minsan nga lang pala ito mangyayari sa aking buhay,nabago ang aking isip at naisipan ko ng sumali. Magkahalong takot at hiya ang nangibabaw sa aking pakiramdam. Ngunit ng naglaon, talaga palang napakasaya nito. Natapos ang gabing iyon ng buong kasiyahan. At heto na, ngayon ako ay nakatuntong sa huling taon ng hayskul.


Sila ang aking mga kamagaral ngayong 4th year

Talagang napakabilis ng panahon. Hindi ko namalayan na ilang buwan na lamang ang natitira at magtatapos na ako ng hayskul. Parang kailan lang ay naglalaro ako ng jackstone sa loob ng aming silid. At ngayon katatapos lamang ng aming ikalawang J.S. prom. Tapos na rin kaming kuhanan ng litrato na suot namin ang toga. Damang dama ko na ang nalalapit naming pagtatapos haharap na kami sa bagong yugto ng aming buhay sa kolehiyo. At ngayon pa lamang ay nagsisimula na akong mag-isip ng kukuhanin kong kurso sa kolehiyo na alam kong gusto ko at kaya ko. Sana ay maabot ko ang aking pangarap. Upang makabawi sa aking mga magulang, sa aking mga kaibiga at sa mga gurong laging nakasuporta sa aming likuran upang ipagpatuloy ang aming pag-aaral.


Ako at ang aking mga kaibigan

                                                            SALAMAT PO :))

                       


No comments:

Post a Comment