Powered By Blogger

Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Dianne Bertiz Almarez(Ang taong maprinsipyo)

 Noong ako ay nakapagtapos ng Kinder
Sa Sitio Candaba sa baryo ng Sta.Isabel, ikalima ng Mayo taong 1995 ako ay ipinanganak bunga ng mabuti at magandang pagsasamahan ng aking mga magulang na sina Nilda Bertiz at Felix Almarez. Apat kaming magkakapatid at wala ni isa sa amin ang isinilang at lumaking may kapansanan.Si Bernadette ang aking panganay na kapatid na kasalukuyang pumapasoksa kolehiyo. Si Olive ang sumunod sa akin na nasa ika-5 baytang pa lamang. Maraming nagsasabi na suwerte ang tatlong babae kaya labis na natuwa ang aking mga magulang. Ngunit lalo silang nasiyahan nang nabiyayaan pa ng isang anak na lalake, si JP,ang aking bunsong kapatid. Naalala ko nung ako'y tatlong taon pa lamang,ako ay palaging nahuhulog sa tulay malapit sa aming bahay. Kaya't minabuti ng aking ina na ako'y huwag papalabasin sa bahay sa oras.Ako ay pumasok ng elementarya sa mababang paaralan ng A.M.M.E.S. Ako ay ani8m na taong gulang na simula ng ako ay pumasok. Minsang kami ay nagkaroon ng pagsusulit,ako ay pinatawag ng aming guro sa kadahilanang doble daw ang aking sagutang papel, naibigay sa akin iyon nawalan ng papel ang aking kakaklase kaya't ng ipakita ng aking guro ang isa sa hawak kong papel ay doon namin nalaman na hindi lang sagot ko ang kanyang nakopya kundi patai na rin ang aking pangalan. Isa lamang iyan sa mga nangyari sa akin nung ako ay nasa kinder pa lamang. At ang pinakamasaklap sa lahat ay nung nagtapos kami ng kinder ay hindi kami nabigyan ng sertipiko ng pagtatapos dahil sa aming guro na kinuha ang aming pera. Naaalala ko rin ng kami ay magpnta sa simbahan sa ating bayan, hindi ko namalayan na umalis ang aking ina kaya't ako ay nagkanda-iiyak sa upuan. Buti na lamang at ako ay nakita ng aking ina dahil kung hindi, malamang ako ay palaboy sa bayan. Ng ako ay tumuntong sa ika-4 na baitang, ako ay napatira sa aking lolo at lola. Noong una ay hindi ko matanggap na ako ay hindi nakatira sa sarili naming bahay ngunit ng naglaon nasiyahan na rin ako sa pagtira dito.Napatira ako dito dahil sa matanda na ang aking lolo at lola at kailangan nila ng makakatulong sa bahay at sa kanilang maliit na tindahan. Ang pagtira ko rin sa mga ito ang naging dahilan upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Dito ko rin nakilala ang aking mag kaibigan. Si Lea, Mean, Jocelyn, Claudine, Airene, Nina at ako. Kami ay tinawag na 7 sisters na hanggang ngayon ay buong-buo pa. Halos magkakasing edad lamang kami. Sabay-sabay rin kaming nakatapos ng elementarya. Napagkasunduan namin na kami ay pumasok sa iisang paaralan sa hayskul. Ngunit sa pag aakala namin na magiging magkakaklase pa rin kami, hindi pala. Kahit magkakaiba kami ng seksyon ay patuloy pa rin kaming magkakaibigan.

High School Class Picture

Unang taon ng pagpasok sa hayskul ay napunta ako sa seksyon E. Noong una,hindi ko alam kung paano ako makikibagay sa aking mga kaklase. Tanging katabi ko lamang sa upuan ang aking nakakausap. Ngunit ng tumagal ay marami na rin akong naging kaibigan sa mga ito. Para sa akin, napakabilis ng isang taon. Lalo na ng nakarating ako sa ikalawang taon ng hayskul. Ngunit sa pagkakataong ito, napahiwalay na ako sa seksyon E. Dahil ako ay napalipat na sa seksyon B. Lalong dumami ang naging kaibigan sa paglipat na ito. Maraming mga guro ang nagagalit sa aming seksyon dahil sa sobra naming kaingayan. Tama nga naman sila, dahil tila pingsama-sama ang mga estudyanteng maingay at makulit sa seksyon B. Talagang napakasaya sa seksyon na ito kaya naman mahirap kalimutan ang mga taong laging nagpapatawa dito. Ngunit ang kasiyahan na ito ay hindi maaaring hindi matapos. 

Noong ako ay 3rd year high school

Dahil sumapit ang ikatlong taon ng hayskul, at eto na naman, muli na naman akong napalipat. Ayaw ko mang umalis sa seksyon na ito, wala pa rin akong magagawa. Napalipat ako sa seksyon A. Biglang pumasok sa isip ko ay kung paano ako makikisalamuha sa magiging kaklase ko. Dahil na rin siguro sa mga naririnig ko na mahirap daw dito. Pero simula ng mapunta ako sa seksyon na ito, napatunayan ko sa aking sarili na hindi magiging mahirap ang pakikitungo sa iba kung alam mo sa sarili mo na nababagay ka dito.Sa taong din ito naganap ang unang paglahok ko sa junior and senior prom. Nung una ay naisipan kong huwag sumali, ngunit nang naalala ko na minsan nga lang pala ito mangyayari sa aking buhay,nabago ang aking isip at naisipan ko ng sumali. Magkahalong takot at hiya ang nangibabaw sa aking pakiramdam. Ngunit ng naglaon, talaga palang napakasaya nito. Natapos ang gabing iyon ng buong kasiyahan. At heto na, ngayon ako ay nakatuntong sa huling taon ng hayskul.


Sila ang aking mga kamagaral ngayong 4th year

Talagang napakabilis ng panahon. Hindi ko namalayan na ilang buwan na lamang ang natitira at magtatapos na ako ng hayskul. Parang kailan lang ay naglalaro ako ng jackstone sa loob ng aming silid. At ngayon katatapos lamang ng aming ikalawang J.S. prom. Tapos na rin kaming kuhanan ng litrato na suot namin ang toga. Damang dama ko na ang nalalapit naming pagtatapos haharap na kami sa bagong yugto ng aming buhay sa kolehiyo. At ngayon pa lamang ay nagsisimula na akong mag-isip ng kukuhanin kong kurso sa kolehiyo na alam kong gusto ko at kaya ko. Sana ay maabot ko ang aking pangarap. Upang makabawi sa aking mga magulang, sa aking mga kaibiga at sa mga gurong laging nakasuporta sa aming likuran upang ipagpatuloy ang aming pag-aaral.


Ako at ang aking mga kaibigan

                                                            SALAMAT PO :))

                       


Sunday, February 20, 2011

TALAMBUHAY NI KEVIN MILITANTE
Ang talambuhay ng batang pasaway



Ang madaling araw ng ika-16 ng Agosto ay ginising ng pag-iyak ng isang sanggol na lalaki. Naalimpungatan man ang ilan ay nagmadaling nagpuntahan ang mga kapit-bahay ng mga Militante upang makita ang bagong silang na sanggol. Tuwang-tuwa ang mag-asawang Henry at Venus sa pagkakasilang ng kanilang panganayna anak. Naniniwala ang buong pamilya na may suwerteng dala ang bata dahil ang araw ng kapanganakan nito ay ang kapistahan ng patron na si San Roque at ang taon na sunmasakop sa kanyas ay ang taon ng aso.

Lumaki nang maayos ang bata ngunit nang ito ay dalwang taong gulang na ay nagkaroon ito ng bukol sa leeg. Hindi malaman ng mga magulang ko sang gagawin. Ako ang batang iyon. Naging maayos naman agng kalagayan ko nang maiopera ang bukol ko sa leeg. Payuloy ang paglaki ko at ang aking pagkatuto nang iba't-ibang bagay habang tumatagal. Nagbago pa nga ang aking buhok at minsan ay tinatawag akong"Sto. Nino" ng mga taga sa amin dahil sa kulot kong mga buhok. Hindi ko rin makakalimutan ang paglalaro namin ng iba'i-ibang larong pinoy na may kakaibeng bersyon. Naaalala ko noon na ang tumbang preso, pagkataos naming maglaro, ay lata ang ibinabato namin a taya at ang simpleng habul-habulan ay nauuwi boksing at wrestling at kung minsan, pati ang mga magulang namin ay nakikisali din sa away naming mga bata.

At dumating na ang panahon nang ako ay nagkaroon na ng isip. Tumuntong ako sa pinaka primaryang antas ng pag-aaral sa edad na anim. Nag-simula nnaman akong tumuntong sa unang baitang ng elementarya a edad na pito. Naaalala ko noon na hindi ako pinapayagang maglaro ng aking ina sa oras ng tanghalian dahil sa halip ay mga libro ang pinapahawakan niya sa akin. Nag-luwag lamang ang mga magulang ko noong nasa ika-tatlon g baitang na. Hindi nas kasi ako hinahatidan ng pagkainnoon kaya nakapaglalaro at nakapagliliwaliw na ako. Nging maayos naman ang pag-aaral ko nginit noong nasa ika-limang baitang na ako ay nagkaakit ang aking lolona noon ay nasa abroad at isa rin a sumusuporta sa aming pamilya. May mga pagbabago man at kahit na naging mahirap para sa amin ay nagpusig parin kaming magkapatid na mag-aral. Nang akom ay nakatapos na ng elementarya, inisip ko na kaagad kung saang paaralan ako papasiok para sa sekundarya. Nais ng mga kamg-anak namin na sa pribadong paaralan ako mag-aral ngunit hindi kaya ng pamilya namin ang gastusin doon. Sa pampublikong paaralan na lamang ako pumasok. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay naka pag-aral ako.

Naging maayos naman ang unang taon ko sa sekundarya ngunit may numatin na namang di inaasahang pang yayari sa pamilya namin. ang panganay na kapatid na lalaki ng aking ina ang tumayong pangalawang ama namin.nang panandaliang naghiwalay angf aking anga magulang dahil sa di pagkakaunawaan. Ang tiyo  dinmnam,in ang tunmutulong sa amin sa pinansyal sa tuwing kami ay nangangailangan. Ngunit noong haon ng ika_$ na araw ng Agosto aay umalingawngaw ang apat na putok ng baril a labas ng lumang bahay ng pamilya namin. Noong una ay inakala lang na,in na putok ng kwitislamang ang narinig namin ngunit ang mga putok ay nasundan ng mga takbuhan at sigawan ng mga tao. Dali-dali rin akong nanakbo palabads ng bahay. Sa isang tindahan ay nagkakagulo ang mga tao. doon ko nakita ang aking tiyuhin na nakasandal sa dingding na may apat na tana ng baril sa katawan. Di ko na inabutag buhay ang aking tiyo. Ang masaklap pa rito, ito ay nagbabayad lamang ng utang at napag-abutan lamang ng kanyang lasing na tiyuhin. Nakatakas ang bumaril sa kanya ngunit hanggang sa ngayon ay umaasa kaming mapg babayran ang nagawang pagkakamali.

Marahil ay sinadya ng kapalaran na mangyari mang bagay na iyon upang magbuklod muli ang aming pamilya. pamula ng mamatay ang aking tiyo ay ang aming ama na ang  sumuportang muli sa aming pamilya. natuto na kaming tumayo sa sarili naming mag paa.

Maging sa pag-aral ko ay may kabiguan dinakong naranasan. Kabilang ako sa pinakamataas na pangkat simula noong unang antas ngunit nang ako ay papunta na sa ika-apat na antas na ay bumaba ako. Noong una ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa aking mga magulang. takot na takot akong malaman nila ang nangyati. Peo napag isipan ko rin na sabihin na dahil kahit anong mangyari ay malalaman  din naman nila. Taliwas sa aking iniisip, mlumanay ang ginawang pag-kausap sa akin ng aking mga magulang. naramdaman ko din noon na tila awang awa sila sa akin habang lumuluha akong sinasabi ang nangyari sa akin.

Noong pasukan, kabado ako noong una dahil nga bagong kamag aaral naman ang makakasalamuha ko. salamt na lamang at kasama ko ring bumagsak ang matalik kong kaibigan na si Earl kaya kahit paano ay hindi ako nahirapan. Naging maayos at masaya naman ang pagpasok ko sa 4A. Dito ko pa nakilala ang aking naging "gf" o nobya. si junnielyod ang naging inspirasyon ko sa pag pasok ko sa eskwela. Ipinagdadasal naman namin na sana, hanggang sa pagharap sa banal na altar ay kaming dalwa ang magkasama at sana ay makasama ko din siya a panibago at kasunod na bahagi ng talambuhay na ito.
noong 1 year old ako

ang pogi ko noong 2 years old ako

ang pogi ko pa rin noong 5 years old ako


Ang pogi ko pa rin ngayon
Ito ang aking talambuhay. Ito ang naging inspirasyon ko sa buhay. Ito ang nagging batayan ko sa araw-araw kong pamumuhay.  Huwag tayong mahiya sa kwento ng
ating sariling kwento ng buhay. Kung may nag kabiguan man, ay mga masasayang pangyayari din naman tayong naranasan. Ang nakaraan ay bahagi ng kasalukuyan.
Maaring maging inspirasyon ito sa ibang tao. Kaya huwag nating ikahiya ang kwento ng ating buhay.  Para mo na ring ikinahiya ang iyong sarili at ang iyong buhay kung ito ay  hindi mo kayang ikwento o ibahagi sa para sa ika aaliw, ikaiiyak o para sa tagumpay at inspirasyon ng ibang tao.

Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Ma. Theresa Alano Rivera(ang dalagang tahimik pero masayang kasama)

Noong ika-2 ng Oktubre taong 1994, lingo ng umaga ang aking Mama ay nag-iisa sa aming bahay. Dahil ang aking Papa ay may seminar sa DAPP, sa may Tagaytay. Siya ay kasalukuyang naglalakad-lakad sa aming bahay at napansin siya ng aming kapit-bahay .Tinanong siya,”Amor manganganak ka na ba?” at sumagot ang aking mama na baka raw dahil nananakit na ang kanyang tiyan.Sa takot ng aming kapit-bahay agad itong tumawag ng tricycle at sinugod ang aking mama sa ospital.Habang nasa labor room haking mama ay gwapo biglang dumating si papa na agad kinausap ng doctor na guwapo ( sabi ng mama ko), sinabi na isesesaryan ang mama ko dahil maliit lang daw siya. Kaya lang nagalit ang mama ko at sinabihan ang doctor ng, “lalabas yan at hindi yan taga riyan! Maghintay lang kayo at may oras ang paglabas niya”. At eksaktong 12:00 ng hating gabi ay ipinanganak na ako at iyon ay ika-tatlo na ng Oktubre 1994. Habang ako’y pinapaliguan ng isang nars ay biglang nagdilim ang paligid, dahil brownout. At dito ko na sisimulan ang aking kwento.

4months old ako dito
Ako si Ma. Theresa Alano Rivera, ipinanganak sa San Lorenzo Hospital Novaliches, Quezon City. Ako ay bininyagan sa Lagro Church at ako ay may 44 pares ng ninong at ninang. Ang aking mga magulang ay sina Amor at Salvador Rivera. Ako ay mayroong dalawang kapatid na babae, ito ay sina Trixia Mae at Catherine. Noong ako ay 5 buwan pa lang ay itinira ako dito sa Laguna, dahil ang aking mama at papa ay nagtatrabaho. Wala pa silang makitag taga-alaga sa akin.
6mon
Naging masa ang aking pagtira sa aking mga tita sila ang nagbabantay sa akin nung ako ay sanggol pa lang. bago ko ipagdiwang ang aking unang kaarawan ay inuwi na ako ng magulang ko sa aming tirahan sa Victory Heights, Caloocan City. Doon ko idinaos ang aking kaarawan kasama ang aking kaarawan. Kasama ang aking mga kamag-anak. Naging maayos at masaya ang aking buhay ng mga sumunod pang mga taon. Noong ako’y dalawang taon ay muli akong napatira dito sa Laguna, kadalasan ay ipinasyal ako ng aking tita sa Sampalok Lake sakay ng tricycle habang pinapakain ng balot. Ginagawa niya ito upang ako ay makatulog at kapag ako ay sinusundo na ulit ng aking mga magulang, sila ay tinitingnan ko lang ng parang hindi ko sila kilala. Noon ako ay apat na taon na kami ay napatira sa Capitol Park Homes, Caloocan City
unang kaarawan ko
 Doon ako nag-simulang pumasok sa paaralan,araw-araw ay umiiyak ako kapag iniiwan nila akong mag-isa sa skul. Madalas pa din ako noong dumede ng gatas sa bote, hinda kami nakakapag-laro sa labas ng bahay tanging kaming dalawa lang ng aking kapatid ang mag-kalaro. Minsan ay napunta na lang aking mga pinsan sa amin upang bumisita, kadalasan silang naglalaro ng salagubang o kaya naman ay billiards. Minsan naman ay niyaya ng aking kapatid ang aming kapit-bahay upang doon na lang sa amin maglaro. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng aking kapatid, dahil kinurot niya ang aming kalaro at simula noon ay hindi na kami pinabayaang makipag-laro sa iba. Dahil sa aking kapilyahan ay pinalo ako ng aking pinsan na lasing, dahil siya ay pinaltok ko ng tsinelas habang siya ay natutulog. Araw-araw ay aking lola lamang ang aming kasama sa bahay pati ang aking mga pinsan. Sanay na kami na sila lang ang kasama, madalas din kaming matulog sa hapon . Basta ako ay may gatas at may hawak na ribbon ng panty. Ako ay nakaka-tulog na.
1year and 3months ak

Noong kinasal ang aming mga magulang kami ni Mae ay naging abay. Naging malungkot para sa amin ang pag-kamatay ng tiyuhin ko, ito ay kadalasang nakaka-away ng aking papa. Siya rin ang nagbansag sa akin ng aking palayaw, dahil ang kanyang dating kasintahan ay Theresa din ang pangalan. Nang lumipas na taon naman ay ipinanganak ang bunso naming kapatid. Kadalasang kami ang nag-babantay sa kanya dahil nasa trabaho ang aming magulang. Noong naidaos na ang kanyang binyag, kami ay lumipat na sa Bulacan.
Lalong naging masaya ang naging buhay namin sa bagong naming bahay. Sa Benedictian School ako nag-simulang pumasok ng unang baiting, hindi kami ganoon kadami gaya ng ibang school. Marami akong naging kaibigan at hindi ako ganoon ka-ingay sa klase. Noong ako ay naging grade 6 na, ako ay naging pang-hapon na dahil huli na akong nag-paenroll. Pero naging maayos lang ito sa akin dahil hindi ako nahirapang makipag-kumpitensya sa iba. Noong una ay kakaunti pa lang ang aking kakilala, ngunit ng mga nakalipas na araw ay naging kaibigan ko na silang lahat. Nagsimula kong nahiligan ang pagsayaw, noong kami ay nag perform sa stage. Noong mga sumunod na taon ay naging maayos naman ang aking mga grado. Hindi kami nakakapaglaro sa labas ng bahay. Sanay kaming nasa bahay lang at naglalaro ng playstation. Kapag bakasyon naman ay napunta kami dito sa Laguna, kadalasan ay naglalaro kami ng patintero sa gabi o kaya naman ay paperdolls. Minsan ay napunta kami sa basketball court upang manood ng liga. At kapag natapos na ang bakasyon ay parang ayaw na naming umuwi sa Bulacan, dahil kapag sinusundo na kami ay malungkot na ang aming mga mukha. Kapag nakauwi na ako ng bahay ay nagawa agad ako ng mga takdang aralin at pagkatapos ay tutulog na ako. Nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na lalaki siya ay si Leahm Du, nung una ay niligawan niya ako ngunit hindi ko sinagot dahil natatakot ako sa aking mga magulang. Parati kaming niloloko n gaming mga kaklase dahil ang lambing daw naming, parati niya nga kinukurot sa pisngi at madalas kaming nag-aaway dahil mahilig siyang mang-asar. Mahilig akong sumali noon sa mga aktibidad sa aming paaralan.

grade six ako dito
 Dati ay naglalaro pa kami ng patintero at tuwing Biyernes naman ay mga naka-sibilyan kami at nagjojogging sa Subdivision malapit sa aming paaralan.Naging masaya na malungkot ang aking pag-alis sa Benediction dahil una sa lahat ay may naging magandang bunga ang aking pag-aaral at ikalawa naman ay maiiwan ko na ang aking mga kaibigan pati na si LeahmDu.Nang mamatay ang aking pinsan at lola ,kami ay lumipat na dito,maraming bagay na ang kailangan na  naming iadjust dahil marami na ang nagbago .Kung dati madalas kaming namamasyal sa mga mall ngayon naman ay nalilimitahan na .Dahil ang papa na lang naminang naghahanapn buhay.Kung dati ay madalas nauwi sa amin ang aming papa ngayon ay tuwing biyernes na lang at kapag Lunes na, siya ay babalik na sa maynila .Noong bakasyon ay lumaban kami ng sayaw sa Coca-cola at nakakasali sa mga Santa Cruzan. Nang una kong pasok sa Dizon ay maraming kamalasan ang nangyari sa akin . una ay tinubuan ako ng skin rushes, nabasa ako ng ulan sa loob ng new building at nasiraan ng sapatos. Noong una kong pasok ay nahirapan akong mag-adjust, pero ng tumagal ay nasanay na ako at nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging masaya din kami dito sa Laguna kahit nakakainis ang mga kaibigan namin sa Bulacan. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay ang nangyari dito sa nag-aral sa Dizon, isa na riyan ang pagsali ko sa C.A.T noong ako ay nasa ika-3 antas at naranasan ko na rin ang magmahal.

                At ngayong nasa ika-4 na antas na ako, nalalapit na ang aking pagtatapos at pag-alis sa Dizon High kung saan marami akong natutunan at mas naging masaya. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, sisikapin ko na maging maayos ang aking buhat sa hinaharap. M ag-aaral muna ako ng mabuti bago isipin ang pag-aasawa, kahit ako ay may boyfriend na. gusto ko muna na maging stable ang aking buhay bago lumagay sa masaya at tahimik na buhay. 
Ako si Ma. Theresa Alano Rivera, ipinanganak sa San Lorenzo Hospital Novaliches, Quezon City. Ako ay bininyagan sa Lagro Church at ako ay may 44 pares ng ninong at ninang. Ang aking mga magulang ay sina Amor at Salvador Rivera. Ako ay mayroong dalawang kapatid na babae, ito ay sina Trixia Mae at Catherine. Noong ako ay 5 buwan pa lang ay itinira ako dito sa Laguna, dahil ang aking mama at papa ay nagtatrabaho. Wala pa silang makitang taga-pagalaga sa akin. Naging masaya ang aking pagtira sa aking mga tita sila ang nagbabantay sa akin nung ako ay sanggol pa lang. bago ko ipagdiwang ang aking unang kaarawan ay inuwi na ako ng magulang ko sa aming tirahan sa Victory Heights, Caloocan City. Doon ko idinaos ang aking kaarawan kasama ang aking kaarawan. Kasama ang aking mga kamag-anak. Naging maayos at masaya ang aking buhay ng mga sumunod pang mga taon. Noong ako’y dalawang taon ay muli akong napatira dito sa Laguna, kadalasan ay ipinasyal ako ng aking tita sa Sampalok Lake sakay ng tricycle habang pinapakain ng balot. Ginagawa niya ito upang ako ay makatulog at kapag ako ay sinusundo na ulit ng aking mga magulang, sila ay tinitingnan ko lang ng parang hindi ko sila kilala. Noon ako ay apat na taon na kami ay napatira sa Capitol Park Homes, Caloocan City. Doon ako nag-simulang pumasok sa paaralan,araw-araw ay umiiyak ako kapag iniiwan nila akong mag-isa sa skul. Madalas pa din ako noong dumede ng gatas sa bote, hinda kami nakakapag-laro sa labas ng bahay tanging kaming dalawa lang ng aking kapatid ang mag-kalaro. Minsan ay napunta na lang aking mga pinsan sa amin upang bumisita, kadalasan silang naglalaro ng salagubang o kaya naman ay billiards. Minsan naman ay niyaya ng aking kapatid ang aming kapit-bahay upang doon na lang sa amin maglaro. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng aking kapatid, dahil kinurot niya ang aming kalaro at simula noon ay hindi na kami pinabayaang makipag-laro sa iba. Dahil sa aking kapilyahan ay pinalo ako ng aking pinsan na lasing, dahil siya ay pinaltok ko ng tsinelas habang siya ay natutulog. Araw-araw ay aking lola lamang ang aming kasama sa bahay pati ang aking mga pinsan. Sanay na kami na sila lang ang kasama, madalas din kaming matulog sa hapon . Basta ako ay may gatas at may hawak na ribbon ng panty. Ako ay nakaka-tulog na.
Noong kinasal ang aming mga magulang kami ni Mae ay naging abay. Naging malungkot para sa amin ang pag-kamatay ng tiyuhin ko, ito ay kadalasang nakaka-away ng aking papa. Siya rin ang nagbansag sa akin ng aking palayaw, dahil ang kanyang dating kasintahan ay Theresa din ang pangalan. Nang lumipas na taon naman ay ipinanganak ang bunso naming kapatid. Kadalasang kami ang nag-babantay sa kanya dahil nasa trabaho ang aming magulang. Noong naidaos na ang kanyang binyag, kami ay lumipat na sa Bulacan.
Lalong naging masaya ang naging buhay namin sa bagong naming bahay. Sa Benedictian School ako nag-simulang pumasok ng unang baiting, hindi kami ganoon kadami gaya ng ibang school. Marami akong naging kaibigan at hindi ako ganoon ka-ingay sa klase. Noong ako ay naging grade 6 na, ako ay naging pang-hapon na dahil huli na akong nag-paenroll. Pero naging maayos lang ito sa akin dahil hindi ako nahirapang makipag-kumpitensya sa iba. Noong una ay kakaunti pa lang ang aking kakilala, ngunit ng mga nakalipas na araw ay naging kaibigan ko na silang lahat. Nagsimula kong nahiligan ang pagsayaw, noong kami ay nag perform sa stage. Noong mga sumunod na taon ay naging maayos naman ang aking mga grado. Hindi kami nakakapaglaro sa labas ng bahay. Sanay kaming nasa bahay lang at naglalaro ng playstation. Kapag bakasyon naman ay napunta kami dito sa Laguna, kadalasan ay naglalaro kami ng patintero sa gabi o kaya naman ay paperdolls. Minsan ay napunta kami sa basketball court upang manood ng liga. At kapag natapos na ang bakasyon ay parang ayaw na naming umuwi sa Bulacan, dahil kapag sinusundo na kami ay malungkot na ang aming mga mukha. Kapag nakauwi na ako ng bahay ay nagawa agad ako ng mga takdang aralin at pagkatapos ay tutulog na ako. Nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na lalaki siya ay si Leahm Du, nung una ay niligawan niya ako ngunit hindi ko sinagot dahil natatakot ako sa aking mga magulang. Parati kaming niloloko n gaming mga kaklase dahil ang lambing daw naming, parati niya nga kinukurot sa pisngi at madalas kaming nag-aaway dahil mahilig siyang mang-asar. Mahilig akong sumali noon sa mga aktibidad sa aming paaralan. Dati ay naglalaro pa kami ng patintero at tuwing Biyernes naman ay mga naka-sibilyan kami at nagjojogging sa Subdivision malapit sa aming paaralan.Naging masaya na malungkot ang aking pag-alis sa Benediction dahil una sa lahat ay may naging magandang bunga ang aking pag-aaral at ikalawa naman ay maiiwan ko na ang aking mga kaibigan pati na si LeahmDu.Nang mamatay ang aking pinsan at lola ,kami ay lumipat na dito,maraming bagay na ang kailangan na  naming iadjust dahil marami na ang nagbago .Kung dati madalas kaming namamasyal sa mga mall ngayon naman ay nalilimitahan na .Dahil ang papa na lang naminang naghahanapn buhay.Kung dati ay madalas nauwi sa amin ang aming papa ngayon ay tuwing biyernes na lang at kapag Lunes na, siya ay babalik na sa maynila .Noong bakasyon ay lumaban kami ng sayaw sa Coca-cola at nakakasali sa mga Santa Cruzan. Nang una kong pasok sa Dizon ay maraming kamalasan ang nangyari sa akin . una ay tinubuan ako ng skin rushes, nabasa ako ng ulan sa loob ng new building at nasiraan ng sapatos. Noong una kong pasok ay nahirapan akong mag-adjust, pero ng tumagal ay nasanay na ako at nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging masaya din kami dito sa Laguna kahit nakakainis ang mga kaibigan namin sa Bulacan. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay ang nangyari dito sa nag-aral sa Dizon, isa na riyan ang pagsali ko sa C.A.T noong ako ay nasa ika-3 antas at naranasan ko na rin ang magmahal.

                At ngayong nasa ika-4 na antas na ako, nalalapit na ang aking pagtatapos at pag-alis sa Dizon High kung saan marami akong natutunan at mas naging masaya. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang pangyayari na naganap sa aking buhay, sisikapin ko na maging maayos ang aking buhat sa hinaharap. M ag-aaral muna ako ng mabuti bago isipin ang pag-aasawa, kahit ako ay may boyfriend na. gusto ko muna na maging stable ang aking buhay bago lumagay sa masaya at tahimik na buhay. 

Ang Talambuhay ni Lou Junette Alano (Ang babaeng pasaway)

Noong ako ay 8 buwang gulang
      Ako si Lou Junette Tan Alano. Ipinanganak noong ika-17 ng Hunyo. Ipinanganak ako sa Barangay Concepcion San Pablo City Laguna kilala sa tawag na Village. Kilala ako sa mga tawag na Net-Net, bunso, Junette, Lou, LJ, LA, Khulet, Adhik, Pahed at Mhine. Apat kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ang mga pangalan naming magkakapatid ay batay sa buwan ng aming kapanganakan.

Ako ang ang aking mga kapatid.
      Ang aking mga kapatid ay sina April, Joanna Marie at Diane Marchielle. Ang aking ina ay sa Julie Tan Alano at ang aking ama ay si Domingo Alano Jr. kialala sa tawag na Damo at DA. Ang tawag ko sa aking mga magulang ay mama at papa dahil ito ang nakasanayan ko.

        Ako ang pinaka-kakaiba sa aming magkakapatid dahil ako lang ang nakahiwalay sa kanila. Isang taon pa lang ako ng mapahiwalay sa aking mga magulang dahil natuwa daw sa akin si tita Evie. Noong nakita daw ako ni tita ay mukhang manika ako at uhugin kaya hiniram niya ako sa aking mga magulang upang tumira sa kanila ng isang linggo. Nang ako'y na kayna tita na ay hindi daw ako umiiyak, hindi ako katulad sa aking mga kapatid dahil sila daw ay naiyak kay tita at iyan ang dahilan kaya lalong natuwa siya sa akin. Mula noon ay dito na ako tumira sa Schetelig at si tita Evie ang nag-aruga at nagpalaki sa akin. Ako ang paborito noon ni lola Betching, kapatid ni tita Evie at lagi ko siyang kalaro. Isa rin iyan sa dahilan kaya tuluyang hiniram ako ni tita Evie sa aking mga magulang.

Noong ako ay bininyagan at buhat buhat ako ni mama.
      Isang taon pa lang ako ay tinuturuan na ako ni tita Evie na umihi sa kasilyas upang hindi daw ako umihi sa higaan. Lagi ako noon ginigising ng hating gabi para lang umihi at ng hindi daw ako abutan sa higaan para hindi mag amoy panghe sa hinihigaan. Hindi daw kasi ako nilalagyan ng diaper noon kapag nasa bahay lamang.     Lagi rin akong kinukuhang abay noong bata pa ako dahil ang cute-cute ko daw.
Noong ako ay apat at limang taong gulang.
Lagi rin ako noong nauutusang magdala ng pinggan sa lababo ngunit lagi na lang akong nadudulas kaya nakakabasag ng pinggan. Natatandaan ko pa noong bata pa ako na nagkaroon ako ng mga sugat sa mukhadahil sa pakikipaglaro ko ng kabayu-kabayuhan kay Kay. Noong ako ay umuwi sa amin sa Village ay tinitukso akong madaming chocolate sa mukha. Ako'y nahihiya sa tuwing niloloko nila ako.

Noong 1st honor ako.
      Pumasok akong kinder taong 2000 sa edad na anim. Akala ko noon ay sa Central ako mag-aaral ngunit sa dami ng estudyante na nag-eenrol ay sa Dapdapan na lang ako ipinasok ni tita Evie. Dito sa paaralang ito ay naging first honor ako at halos lahat ng parangal ay aking nakuha at naiuwi, syempre bago ko nakuha ang mga ito ay naghirap sa pagtuturo sa akin si tita Evie. Bawat oras ay dapat nakatutok sa pag-aaral. Bago ibigay sa amin ang parangal ay may mga pagtatanghal kaming ginawa.

      Simula grade 1 hanggang grade 4 ay second honor ako. Napalitan ako ni Jessah Marie Banayo sa aking posisyon bilang first honor. Pero okey lang atleast binigay ko ang best ko sa pag-aaral. Lagi akong ipinanlalaban noon sa iba't-ibang paligsahan at lagi ring nananalo. Noong grade 2 ako ay sumali ako ng soccer. Kahit maliit lang ako ay sinubukan ko paring maglaro. Hindi kami noon nanalo sa soccer sapagkat ang mga kalaban namin ay puro mga dambuhala sa amin. Noong grade 3 ako ay lumaban ako ng naration at nakamit ko ang ikalawang pwesto dahil sa pagtitiyaga sa akin ni tita na turuan ako sa pagbigkas. Lagi ako noong ginigisang ng madaling araw para lang magsanay. Noong grade 5 ako ay ipinanlaban ako sa United Nation bilang Miss China at nakamit ko ang first runner up.
Noong ako ay nanalong Miss China.

Noong ako ay 2nd honor noong grade 4.


      Noong ako'y grade 5 ay Third honor lang ako, at ito ay hindi ko matanggap sa kadahilanang ang naging second honor ay isa lamang transferee. At sa pagkakaalam ko sa aming paaralan ay hindi maaaring maging honor ang isang transferee. Isa pang dahilan ay hindi ito patas sapagkat siya ay pamangkin ng aming guro. Pero napag-isip-isip ko na mas lamang pa rin ako sa kanya dahil mas marami akong nakuhang parangal kaysa sa kanya. Noong grade 6 ay first honorable mention lang ako. Dahil sa pagpupumilit ko kay tita Evie na mag player ako ng table tennis ay napabayaan ko ang aking pag-aaral at dahil dito ang laki ng panghihinayang ko.
Noong ako ay nag graduate ng elementary.
      Noong grade 2 ako ay nakilala ko ang aking best friends na sina Jazzmine Agravante at si Jarine Rosales. Sila ay mga kaklase ko at lagi ko silang kasa-kasama sa hirap at ginhawa. Kapag may problema ako ay sa kanila ako nagsasabi at sila ang nagpapagaan ng aking loob.

Noong nag-camping kami sa Central.
      Noong grade 5 ako, sa tuwing aawas kami ay napunta kami sa tambayan para maglaro ng sikyu, habul-habulan at minsan chinese-japanese. Imbis na ako ay nauwi na ng maaga ay iyan ang aking ginagawa noon sa araw-araw. Natatandaan ko noong grade 6 ako, half day lang kami noon at ang alam sa amin ay whole day ay nagpunta kami sa bukid nina Jessah para tumambay. Napagkatuwaan namin noon na mag uwi ng papaya at sa bag ko inilagay kaya lang nasira ang bag ko dahil ang kinuha nila ay napakalaking papaya.

     Pumasok akong first year high school taong 2007 sa Dizon High. Dahil unang araw ko rito ay hindi ko alam ang aking gagawin. Nasasabik ako at natatakot din ako ng mga araw na ito dahil wala akong kakilala. Pero sa paglipas ng panahon ay naging ka-close ko sila at madami akong naging kaibigan. Naging top 1 ako sa taong ito.

      Enero 7 taong 2009 ay naging kasintahan ko si Enrico Abiertas at siya ang una kong naging kasintahan nakakalungkot man ay tumagal lang kami ng isang linggo. Marso 18, 2009 ay naging kasintahan ko si Jan Rovelle Lacsam at tumagal naman kami ng 29 na araw. Nakipagkalas ako sa kanya dahil muntik ng malaman ito ni tita Evie.

Noong lumaban kami ng sayaw at nagkamit ng ikalawang pwesto.
      Noong nasa ikalawang taon na ako ng sekondarya ay naging top 4 ako sa aming klase. at sa taong ito naging kaklase ko ang aking pinsan na si Ma. Theresa Rivera. Laging kasabay ko sa pagkain sina Rose, Lady, Ken, Shalom, Maricar, Nerie at si Theresa.

      Noong nasa ika-3 taon na ako sa sekondarya ay nagvolunteer ako ng CAT. Dito mas madami akong nakilala at naging kaibigan. Lagi kaming nasa commandant kaya hindi ko na nakakasabay kumain ang aking mga dating kasabay. Dito sa CAT ay natuto akong maging isang lider,maging disiplinado, masipag. Natuto rin akong mag-sword at rifle. Sa taong ito ay nakilala ko si Chinee Liabres at naging tawagan namin ang pare ko. Nakilala ko rin si Sir Aldwin Aquino Aramil ang first love ko. Sa taong ito ay naging top 3 ako.

Noong kami ay nag activity sa CAT.
Ako at aking mga best friends sa CAT.

      Ngayong nasa huling taon na ako ng sekondarya ay naging officer ako ng CAT. Madami ang nagbago sa akin. Naging mas masaya ako ngayong taon. Naging best friend ko sina Chinee at si Lhex ng 4-D. 
    
      Nakilala ko si Jerico Martinez na aking minahal pero past is past ika nga. Hanggang paghanga na lang sa kanya ang nararamdaman ko. Nakakasama ko na muli ang aking mga kaklase at kaibigan. Nadagdag sa aming grupo si Dianne at si Jelaisa pati si Leo dahil naging kasintahan siya ni Shalom. Naging kasintahan ko naman si Paulo Uri Concepcion, g4 batch 2010-2011 na mula sa seksyong 4-B. Naging masaya kami ni Mhine ko nang nagdaang J-S dahil nakasama ko siya. Kinilig ako noong binigyan niya ako ng bulaklak at hindi ko ito makakalimutan. Pinapangako ko sa sarili ko na magiging tapat ako sa kanya at sana ganun din siya sa akin. Ito ang pinakamasayang parte ng high school life ko.
Ako at si G4 noong JS.




Ang nag-iisang pasaway.



Thursday, February 17, 2011

Ang Talambuhay ni Ma.Shalom Panaligan (Ang taong puno ng Pangarap)

Ako noong ako ay sanggol pa lamang.
    Magandang araw po sa inyong lahat.Bilang panimula ng paglalahad ng aking talambuhay ay nais ko munang magpakilala.Ako nga pala si Ma.Shalom Cabales Panaligan,at nabibilang ako sa isang simple,relihiyoso at masayang angkan.Nang mga sandaling ipinanganak ako sito sa mundong ibabaw sy tuwang-tuwa ang buong pamilya ko."Miracle Baby" daw kasi ako.Pa'no ba naman,isa daw akong bukol sa tiyan ng nanay ko na muntik ng operahin ng mga dokto,kaya lang,sa araw mismo ng operasyon ay biglang nawala yung bukol at nadiskubre na lang ng mga doktor na isang 21 days na bata ang nasa tiyan ng nanay ko.E kung natuloy pala yung operasyon,malamang patay na ako at wala ako ngayon.Isinilang ako noong ika-20 ng Enero,taong 1995.


                                                                   
    
   Sa kasalukuyan ay walong taon na kaming naninirahan sa Concepcion ngunit noong panahon ng aking pagkapslit ay napatira ako sa ilang mga lugar.Una,tumira kami sa Sabang,Concepcion.Nung tatlong taon naman ako ay tumira ako sa Carmellite,Concepcion.Nung apat na taon ako,napatira ako sa pagawaan ng stuffed toys na pag-aari mismo ng tita ko.Tuwang-tuwa akong alagaan ng mga kamag-anak ko dahil talaga namang napakabait ko daw noong bata.Kung 'san daw nila ako iwan,dun daw nila ako babalikan sa mismong pwesto ko dahil hindi raw ako gumagalaw,anu ba 'yan.Mahiyain ako noon at hindi palaimik.Kung pag-uusapan naman ang paglalaro,mga pinsan at kapatid ko lang ang nakakalaro ko.


Kasama ang aking mga pinsan.
   Tandang-tanda ko pa noon na madalas mga panlalakeng laro ang nilalaro namin.Nagbabaril-barilan kami ng mga pinsan ko sa isang abandonadong kural malapit sa bahay ng lola ko.Minsang natamaan ko ng bala ng pellet gun malapit sa mata.Umiyak ako 'non at napaka-memorable talaga 'non dahil hindi talaga ako pinalabas ng mga pinsan ko dun sa mabahong kural hangga't hindi ako tumatahan.Bawal kasi akong magsumbong dahil kapag ginawa ko 'yon.hindi na nila ako kabati.
    
    Bata pa lamang ako ay mahilig na akong sumayaw.Mahilig rin akong kumanta kahit medyo kinapos ako ng talent sa pagkanta.Siya nga pala,tungkol naman sa aking mga magulang at kapatid,lahat sila ay masayahin.Ang ate ko,si Ma.Carmellie,ay masipag at siyempre,maganda rin.Ang kuya ko naman,si Christian,medyo pasaway pero mabait naman.Ang mga magulang ko naman,sina Bella at Ricardo,napaka-bait.Pero minsan,medyo mataray si mama at napakasakit mangurot.Ngunit relihiyoso ang mga magulang ko.Madalas nila kaming akay sa mga prayer meeting.Syempre,sumasama ako.Kapag kaso ayaw sumama ng mga kapatid ko,ako ang ginagawang representative nila.Ayun,yagyag ako sa prayer meeting kahit panay matatanda na ang mga kasama ko,ako lang ang bata.Pero ayos lang.Marami naman kasi akong natututunan sa pagsama ko sa mga ga'nong gawain.I-try ninyo.


Batang-bata pa ako nito,cute ko.
    Samantala,tuwing sasapit ang kapaskuhan,lagi kong inaabangan ang Noche Buena.sa gabing ito kasi nagaganap ang christmas party ng aming buong angkan sa mother side ng pamilya ko.Naging tradisyon na ito sa amin.Kapag naman sasapit ang bagong taon,natutuwa ako kapag tinatawag ni papa yung mga tambay na kabataang kapitbahay namin para magdasal.Kaya naman napupuno ang loob ng bahay namin.




    Sa kabilang banda,marami na rin akong napagdaanang mga problema.May mga pagkakataon talagang kinakapos kami sa usaping pinansyal ang aming pamilya.Pero kahit ga'non,nagpapasalamat pa rin kami dahil ma-swerte pa rin kami at nakakakain kami ng tatlong beses isang araw at hindi kami gaanong nakakaranas ng matinding hirap na nararanasan ng ating mga kababayan.Ang payo ko lang sa mga kabataang tulad ko,huwag ninyong isipin kung anong wala sa pamilya niyo.Pahalagahan niyo kung anong meron kayo dahil kapag natuto tayong magpahalaga,magbibigay-daan ito upang tayo ay umunlad bilang isang tao at magkaroon ng isang positibong pananaw sa buhay.


    Sa kasalukuyan ay isa akong graduating student sa hayskul.Sa kulang-kulang apat na taong pag-aaral sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School ay marami akong natutunan.Natuto akong makipagkapwa,makisalamuha,magpakatotoo at maging determinado.Nakharap rin ako ng mga butihing kaibigan.Ang mga kaibigan ko ang madalas na nagpapasaya sa akin sa araw-araw kong pagpasok sa eskwelahan.Kahit na minsan,wala ako sa mood ay napapatawa pa rin nila ako.Kasi naman,nakakatawa naman talaga.Titingnan ko pa lang sila,natatawa na ako e.Talaga pa lang napakasarap ng pakiramdam kapag marami kang kaibigan.Marami kasing nagmamalasakit sa iyo.
Kasama ko ang aking pinakamamahal na boyfriend.


    Ang aking mga kaklase sa 4-A ay talaga namang masayahin.At sa sobrang pagkamasayahin,lalong umiingay.Masasabi ko na ang buhay ko sa hayskul ay habang buhay na magiging parte ng puso ko.Sa nalalapit kong pagtatapos,nais kong magpasalamat sa lahat ng naging dahilan ng aking pagsusumikap.Gagawin ko ang buo kong makakaya upang makamit ang mga pangarap ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko.



   Magpupursige ako sa aking pag-aaral nang sa gayon ay may marating ako balang araw.Sa ganitong paraan,maaari kong ipagpatuloy ang talambuhay kong ito upang ibahagi sa inyo ang aking buhay matapos akong gumraduate.anong malay natin,makalipas ang sampung taon ay successful na ako.Nawa nga'y magkatotoo at gagawa at gagawa ako ng paraan upang mangyari ito.Hindi ko aalisin ang pagtitiwala ko sa aking sarili na balang araw ay makakamit ko ang aking mga pangarap sa buhay.


  Kasipagan at positibong pananaw sa buhay ang ilan sa mga bagay na makatutulong sa akin.MAGTAGUMPAY nawa ako! Dito na natatapos ang unang kabanata ng aking talambuhay.Magkita-kita na lang ulit tayo sa susunod na kabanata...after 10 years...