Powered By Blogger

Sunday, February 20, 2011

TALAMBUHAY NI KEVIN MILITANTE
Ang talambuhay ng batang pasaway



Ang madaling araw ng ika-16 ng Agosto ay ginising ng pag-iyak ng isang sanggol na lalaki. Naalimpungatan man ang ilan ay nagmadaling nagpuntahan ang mga kapit-bahay ng mga Militante upang makita ang bagong silang na sanggol. Tuwang-tuwa ang mag-asawang Henry at Venus sa pagkakasilang ng kanilang panganayna anak. Naniniwala ang buong pamilya na may suwerteng dala ang bata dahil ang araw ng kapanganakan nito ay ang kapistahan ng patron na si San Roque at ang taon na sunmasakop sa kanyas ay ang taon ng aso.

Lumaki nang maayos ang bata ngunit nang ito ay dalwang taong gulang na ay nagkaroon ito ng bukol sa leeg. Hindi malaman ng mga magulang ko sang gagawin. Ako ang batang iyon. Naging maayos naman agng kalagayan ko nang maiopera ang bukol ko sa leeg. Payuloy ang paglaki ko at ang aking pagkatuto nang iba't-ibang bagay habang tumatagal. Nagbago pa nga ang aking buhok at minsan ay tinatawag akong"Sto. Nino" ng mga taga sa amin dahil sa kulot kong mga buhok. Hindi ko rin makakalimutan ang paglalaro namin ng iba'i-ibang larong pinoy na may kakaibeng bersyon. Naaalala ko noon na ang tumbang preso, pagkataos naming maglaro, ay lata ang ibinabato namin a taya at ang simpleng habul-habulan ay nauuwi boksing at wrestling at kung minsan, pati ang mga magulang namin ay nakikisali din sa away naming mga bata.

At dumating na ang panahon nang ako ay nagkaroon na ng isip. Tumuntong ako sa pinaka primaryang antas ng pag-aaral sa edad na anim. Nag-simula nnaman akong tumuntong sa unang baitang ng elementarya a edad na pito. Naaalala ko noon na hindi ako pinapayagang maglaro ng aking ina sa oras ng tanghalian dahil sa halip ay mga libro ang pinapahawakan niya sa akin. Nag-luwag lamang ang mga magulang ko noong nasa ika-tatlon g baitang na. Hindi nas kasi ako hinahatidan ng pagkainnoon kaya nakapaglalaro at nakapagliliwaliw na ako. Nging maayos naman ang pag-aaral ko nginit noong nasa ika-limang baitang na ako ay nagkaakit ang aking lolona noon ay nasa abroad at isa rin a sumusuporta sa aming pamilya. May mga pagbabago man at kahit na naging mahirap para sa amin ay nagpusig parin kaming magkapatid na mag-aral. Nang akom ay nakatapos na ng elementarya, inisip ko na kaagad kung saang paaralan ako papasiok para sa sekundarya. Nais ng mga kamg-anak namin na sa pribadong paaralan ako mag-aral ngunit hindi kaya ng pamilya namin ang gastusin doon. Sa pampublikong paaralan na lamang ako pumasok. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay naka pag-aral ako.

Naging maayos naman ang unang taon ko sa sekundarya ngunit may numatin na namang di inaasahang pang yayari sa pamilya namin. ang panganay na kapatid na lalaki ng aking ina ang tumayong pangalawang ama namin.nang panandaliang naghiwalay angf aking anga magulang dahil sa di pagkakaunawaan. Ang tiyo  dinmnam,in ang tunmutulong sa amin sa pinansyal sa tuwing kami ay nangangailangan. Ngunit noong haon ng ika_$ na araw ng Agosto aay umalingawngaw ang apat na putok ng baril a labas ng lumang bahay ng pamilya namin. Noong una ay inakala lang na,in na putok ng kwitislamang ang narinig namin ngunit ang mga putok ay nasundan ng mga takbuhan at sigawan ng mga tao. Dali-dali rin akong nanakbo palabads ng bahay. Sa isang tindahan ay nagkakagulo ang mga tao. doon ko nakita ang aking tiyuhin na nakasandal sa dingding na may apat na tana ng baril sa katawan. Di ko na inabutag buhay ang aking tiyo. Ang masaklap pa rito, ito ay nagbabayad lamang ng utang at napag-abutan lamang ng kanyang lasing na tiyuhin. Nakatakas ang bumaril sa kanya ngunit hanggang sa ngayon ay umaasa kaming mapg babayran ang nagawang pagkakamali.

Marahil ay sinadya ng kapalaran na mangyari mang bagay na iyon upang magbuklod muli ang aming pamilya. pamula ng mamatay ang aking tiyo ay ang aming ama na ang  sumuportang muli sa aming pamilya. natuto na kaming tumayo sa sarili naming mag paa.

Maging sa pag-aral ko ay may kabiguan dinakong naranasan. Kabilang ako sa pinakamataas na pangkat simula noong unang antas ngunit nang ako ay papunta na sa ika-apat na antas na ay bumaba ako. Noong una ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa aking mga magulang. takot na takot akong malaman nila ang nangyati. Peo napag isipan ko rin na sabihin na dahil kahit anong mangyari ay malalaman  din naman nila. Taliwas sa aking iniisip, mlumanay ang ginawang pag-kausap sa akin ng aking mga magulang. naramdaman ko din noon na tila awang awa sila sa akin habang lumuluha akong sinasabi ang nangyari sa akin.

Noong pasukan, kabado ako noong una dahil nga bagong kamag aaral naman ang makakasalamuha ko. salamt na lamang at kasama ko ring bumagsak ang matalik kong kaibigan na si Earl kaya kahit paano ay hindi ako nahirapan. Naging maayos at masaya naman ang pagpasok ko sa 4A. Dito ko pa nakilala ang aking naging "gf" o nobya. si junnielyod ang naging inspirasyon ko sa pag pasok ko sa eskwela. Ipinagdadasal naman namin na sana, hanggang sa pagharap sa banal na altar ay kaming dalwa ang magkasama at sana ay makasama ko din siya a panibago at kasunod na bahagi ng talambuhay na ito.
noong 1 year old ako

ang pogi ko noong 2 years old ako

ang pogi ko pa rin noong 5 years old ako


Ang pogi ko pa rin ngayon
Ito ang aking talambuhay. Ito ang naging inspirasyon ko sa buhay. Ito ang nagging batayan ko sa araw-araw kong pamumuhay.  Huwag tayong mahiya sa kwento ng
ating sariling kwento ng buhay. Kung may nag kabiguan man, ay mga masasayang pangyayari din naman tayong naranasan. Ang nakaraan ay bahagi ng kasalukuyan.
Maaring maging inspirasyon ito sa ibang tao. Kaya huwag nating ikahiya ang kwento ng ating buhay.  Para mo na ring ikinahiya ang iyong sarili at ang iyong buhay kung ito ay  hindi mo kayang ikwento o ibahagi sa para sa ika aaliw, ikaiiyak o para sa tagumpay at inspirasyon ng ibang tao.

No comments:

Post a Comment