Powered By Blogger

Thursday, February 17, 2011

Ang Talambuhay ni Ma.Shalom Panaligan (Ang taong puno ng Pangarap)

Ako noong ako ay sanggol pa lamang.
    Magandang araw po sa inyong lahat.Bilang panimula ng paglalahad ng aking talambuhay ay nais ko munang magpakilala.Ako nga pala si Ma.Shalom Cabales Panaligan,at nabibilang ako sa isang simple,relihiyoso at masayang angkan.Nang mga sandaling ipinanganak ako sito sa mundong ibabaw sy tuwang-tuwa ang buong pamilya ko."Miracle Baby" daw kasi ako.Pa'no ba naman,isa daw akong bukol sa tiyan ng nanay ko na muntik ng operahin ng mga dokto,kaya lang,sa araw mismo ng operasyon ay biglang nawala yung bukol at nadiskubre na lang ng mga doktor na isang 21 days na bata ang nasa tiyan ng nanay ko.E kung natuloy pala yung operasyon,malamang patay na ako at wala ako ngayon.Isinilang ako noong ika-20 ng Enero,taong 1995.


                                                                   
    
   Sa kasalukuyan ay walong taon na kaming naninirahan sa Concepcion ngunit noong panahon ng aking pagkapslit ay napatira ako sa ilang mga lugar.Una,tumira kami sa Sabang,Concepcion.Nung tatlong taon naman ako ay tumira ako sa Carmellite,Concepcion.Nung apat na taon ako,napatira ako sa pagawaan ng stuffed toys na pag-aari mismo ng tita ko.Tuwang-tuwa akong alagaan ng mga kamag-anak ko dahil talaga namang napakabait ko daw noong bata.Kung 'san daw nila ako iwan,dun daw nila ako babalikan sa mismong pwesto ko dahil hindi raw ako gumagalaw,anu ba 'yan.Mahiyain ako noon at hindi palaimik.Kung pag-uusapan naman ang paglalaro,mga pinsan at kapatid ko lang ang nakakalaro ko.


Kasama ang aking mga pinsan.
   Tandang-tanda ko pa noon na madalas mga panlalakeng laro ang nilalaro namin.Nagbabaril-barilan kami ng mga pinsan ko sa isang abandonadong kural malapit sa bahay ng lola ko.Minsang natamaan ko ng bala ng pellet gun malapit sa mata.Umiyak ako 'non at napaka-memorable talaga 'non dahil hindi talaga ako pinalabas ng mga pinsan ko dun sa mabahong kural hangga't hindi ako tumatahan.Bawal kasi akong magsumbong dahil kapag ginawa ko 'yon.hindi na nila ako kabati.
    
    Bata pa lamang ako ay mahilig na akong sumayaw.Mahilig rin akong kumanta kahit medyo kinapos ako ng talent sa pagkanta.Siya nga pala,tungkol naman sa aking mga magulang at kapatid,lahat sila ay masayahin.Ang ate ko,si Ma.Carmellie,ay masipag at siyempre,maganda rin.Ang kuya ko naman,si Christian,medyo pasaway pero mabait naman.Ang mga magulang ko naman,sina Bella at Ricardo,napaka-bait.Pero minsan,medyo mataray si mama at napakasakit mangurot.Ngunit relihiyoso ang mga magulang ko.Madalas nila kaming akay sa mga prayer meeting.Syempre,sumasama ako.Kapag kaso ayaw sumama ng mga kapatid ko,ako ang ginagawang representative nila.Ayun,yagyag ako sa prayer meeting kahit panay matatanda na ang mga kasama ko,ako lang ang bata.Pero ayos lang.Marami naman kasi akong natututunan sa pagsama ko sa mga ga'nong gawain.I-try ninyo.


Batang-bata pa ako nito,cute ko.
    Samantala,tuwing sasapit ang kapaskuhan,lagi kong inaabangan ang Noche Buena.sa gabing ito kasi nagaganap ang christmas party ng aming buong angkan sa mother side ng pamilya ko.Naging tradisyon na ito sa amin.Kapag naman sasapit ang bagong taon,natutuwa ako kapag tinatawag ni papa yung mga tambay na kabataang kapitbahay namin para magdasal.Kaya naman napupuno ang loob ng bahay namin.




    Sa kabilang banda,marami na rin akong napagdaanang mga problema.May mga pagkakataon talagang kinakapos kami sa usaping pinansyal ang aming pamilya.Pero kahit ga'non,nagpapasalamat pa rin kami dahil ma-swerte pa rin kami at nakakakain kami ng tatlong beses isang araw at hindi kami gaanong nakakaranas ng matinding hirap na nararanasan ng ating mga kababayan.Ang payo ko lang sa mga kabataang tulad ko,huwag ninyong isipin kung anong wala sa pamilya niyo.Pahalagahan niyo kung anong meron kayo dahil kapag natuto tayong magpahalaga,magbibigay-daan ito upang tayo ay umunlad bilang isang tao at magkaroon ng isang positibong pananaw sa buhay.


    Sa kasalukuyan ay isa akong graduating student sa hayskul.Sa kulang-kulang apat na taong pag-aaral sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School ay marami akong natutunan.Natuto akong makipagkapwa,makisalamuha,magpakatotoo at maging determinado.Nakharap rin ako ng mga butihing kaibigan.Ang mga kaibigan ko ang madalas na nagpapasaya sa akin sa araw-araw kong pagpasok sa eskwelahan.Kahit na minsan,wala ako sa mood ay napapatawa pa rin nila ako.Kasi naman,nakakatawa naman talaga.Titingnan ko pa lang sila,natatawa na ako e.Talaga pa lang napakasarap ng pakiramdam kapag marami kang kaibigan.Marami kasing nagmamalasakit sa iyo.
Kasama ko ang aking pinakamamahal na boyfriend.


    Ang aking mga kaklase sa 4-A ay talaga namang masayahin.At sa sobrang pagkamasayahin,lalong umiingay.Masasabi ko na ang buhay ko sa hayskul ay habang buhay na magiging parte ng puso ko.Sa nalalapit kong pagtatapos,nais kong magpasalamat sa lahat ng naging dahilan ng aking pagsusumikap.Gagawin ko ang buo kong makakaya upang makamit ang mga pangarap ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko.



   Magpupursige ako sa aking pag-aaral nang sa gayon ay may marating ako balang araw.Sa ganitong paraan,maaari kong ipagpatuloy ang talambuhay kong ito upang ibahagi sa inyo ang aking buhay matapos akong gumraduate.anong malay natin,makalipas ang sampung taon ay successful na ako.Nawa nga'y magkatotoo at gagawa at gagawa ako ng paraan upang mangyari ito.Hindi ko aalisin ang pagtitiwala ko sa aking sarili na balang araw ay makakamit ko ang aking mga pangarap sa buhay.


  Kasipagan at positibong pananaw sa buhay ang ilan sa mga bagay na makatutulong sa akin.MAGTAGUMPAY nawa ako! Dito na natatapos ang unang kabanata ng aking talambuhay.Magkita-kita na lang ulit tayo sa susunod na kabanata...after 10 years...

No comments:

Post a Comment